Napaka tanga mo!

May mga taong bobo o gakulangot lang ang nalalaman sa mundo. May mga taong madunong, matalino at sa lahat ng bagay ay magaling. Pero ang pinakaaasar ko eh ung hindi nmn mga bobo kundi ung mga taong sapat nmn makapag isip ng matino, pero magpupumilit na ipakitang magaling at angat sya sa lahat sa pamamagitan ng isang bagay – PAGMAMARUNONG

Ilang araw na ang lumilipas ng mabasa ko ang isang status ng isang kaibigan sa Facebook. Di ako nag comment, ninais kong manahimik, Ngunit pag lipas ng ilang araw ay binabagabag pa rin ako ng kaeng-engan nya

“hay naku lagi n lang RH bill ang topic, nakakasawa na. Bat di na lang bigyan ng trabaho ang mga snatcher sa Quiapo, bahay sa mga squater, dagdagan ang mga public school at trabaho at pagkain sa mahihirap”

At ni-like nmn sya ng mga taong di nag iisip o mga kaibigan nyang naki-ride n lng. Di ko n lang sya papangalanan kung sino sya.

Una sa lahat, maganda ang PANGARAP nya o PANTASYA sa buhay. Ngunit hindi mungkahe ang maitatawag sa isang eksaheradong pagnanais na mangyari ang lahat ng sinasabi nya.
Pangalawa meron ng batas o plataporma ang gobyerno tungkol sa layon nyang iparating sa pagbatikos o di pag sang ayun sa panay na pagbabalita sa TV tungkol sa RH Bill. Gustuhin man ng gobyerno na bigyan ng trabaho, edukasyon, pabahay at kung anu-ano mang hinihiling ng bayan na nasasakupan nya ay hindi maibibigay dahil walang pondo at ibang nakaupo ay binubulsa pa ang pera ng bayan.

Pangatlo, ano ba ang pangunahing dahilan kung bat ipinagpipilitan ng iba ang RH Bill? Population! Mahigit 90m na ang pinoy, napakarami para sa isang maliit na bansa. Pag di napigilan ang pagdami ng pinoy baka dumoble pa ang bilang nito pag dating 2020. Malaking problema ito sa pinas dahil malaki ang porsyento ng mga pinoy ang hindi nagbabayad ng tax dahil walang trabaho, squater, pagnanakaw ng kuryente at tubig, sa madaling salita wala silang contribution sa isang society o tawagin n lang nating PABIGAT. Kapag dumoble pa ang bilang ng pinoy ano ang sasabihin nyo? pabahay n nmn? eskwelahan? dagdag sweldo? Over populated n tayo, kaya may mga taong hirap makakita ng trabaho, snatcher, punong puno na mga classroom, at mahal n bilihin dahil sa shortages.

Ngayon bat mo babatikusin ang RH Bill at sasabihin mong bigyan ng pansin ang mga snatcher, school at pabahay eh kung yan mga yan nga ang pangunahing dahilan kung bat isinusulong ang RH Bill.

Sa totoo lang wala akong pake sa RH Bill. Tutol din ako sa mga pag gamit ng pills dahil sa epekto ng kalusugan. Sa kabilang banda, gusto kong bumaba ang bilang ng population sa Pinas.

Hindi antas ng pag iisip kung anong edukasyon ang naabot o natapos. Nag aral ka sa u-belt tapos ganyan ka mag isip? Sinayang mo lang ang pera ng magulang mo dahil ginamit mo lang pampa-cute ang pangalan ng school mo at wala kang natutunan.

Di n ako magtataka, dahil nag asawa ka din ng bobong kumakanta ng “ang tubo ay para sa tubero” Alam naman namin lahat un, bat kailangan nya pa kantahin?

~ by Ozone on June 9, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.